Mas maraming barko ng US darating sa South China Sea – US envoy



Mas maraming barko ng US darating sa South China Sea – US envoy

April 11, 2021 @ 11:45 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inaasahan ang mas maraming barko ng Estados Unidos sa South China Sea ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

“US’ freedom of navigation operations ay tuluy-tuloy yan. They’ve been increasing it in the past several months … precisely to protect the seaway there,” ani Romualdez sa isang panayam sa radyo.

“Freedom of navigation [means], any vessel can pass through there without any harassment or any stop from any country,” dagdag nito.

Matatandaan nitong Abril 4 nagsagawa ng routine operations ang Theodore Roosevelt Carrier Strike Group (TRCSG) ng US Navy sa South China Sea.

Ito na ang ikalawang beses na nagsagawa ng operasyon ang US Navy sa lugar ngayong taon.

Kinilala naman ng Department of National Defense (DND) kalayaan sa paglalayag ng ibang bansa.

“We recognize the right of other States to freedom of navigation on the high seas so long as all parties exercise restraint and avoid actions that could provoke and exacerbate the already tense situation in the region,” ani DND spokesperson Undersecretary Arsenio Andolong.

Iginiit din ni Romualdez na suportado ng US ang protesta ng bansa sa South China Sea.

“In-assure tayo ng mga kaibigan natin dito na talagang concerned sila at sila ay handang tumulong sa atin kung humingi tayo ng tulong kung talagang mabigat na yung ginagawa ng [China],” aniya.

“I hope hindi natin [sila] kalaban pero sana huwag naman mangyari. itong mga Chinese vessels ay umalis na lang diyan sa ating teritoryo” (I hope China is not our foe and the situation does not escalate. I hope these Chinese vessels just leave our territory), dagdag nito.

Aniya pa na handa ang US na tumupad sa Mutual Defense Treaty with the Philippines kung kinakailangan. RNT/ELM


  •  
  •  
  •