Mas maraming ‘Black Hawk’ choppers sinisilip ng PH Army

Mas maraming ‘Black Hawk’ choppers sinisilip ng PH Army

October 27, 2022 @ 4:58 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Philippine Army (PA) commander Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. na nais niya ng mas maraming modern helicopters kagaya ng S-70i “Black Hawk” combat utility helicopter, na pinalilipad ng Air Force, upang palakasin ang Aviation Regiment.

Inihayag ni Brawner na prayoridad ng PA ang pagbili ng “Black Hawk” combat utility helicopters at multi-role fixed-wing aircraft dahil magagamit ito sa airborne training at disaster relief missions.

“Pwede nating gamitin to transport mga relief goods sa mga areas na nangangailangan nito,” aniya sa sidelines ng ceremonial turnover ng Bolkow-Blohm Bo-105 helicopter sa PA mula sa Dornier Technologies Inc. sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija nitong Miyerkules.

Subalit, inamin ni Brawner na hindi inaprubahan ng LKamara ang pondo ng PA fupang makabili ng mas maraming aircraft sa susunod na taon.

“Unfortunately, it was not approved by Congress so what we are going to do is to include the purchase of the aircraft for the PA under our modernization program,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, nag-ooperate ang Army Aviation Regiment ng halos anim na helicopters at fixed-wing aircraft. RNT/SA