Mas maraming buntis nagpopositibo sa COVID

Mas maraming buntis nagpopositibo sa COVID

January 24, 2022 @ 1:40 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Napag-alaman na mas maraming buntis ang nagpopositibo sa COVID.

Batay sa isang panayam sa ex-presidente ng Philippine Society of Maternal and Fetal Medicin, karamihan sa kanula ay asymptomatic.

“In my personal experience, in the past 10 days, marami ang pasyente ko na buntis na may COVID, na nagpositive sa COVID testing,” ani Dr. Carmela Madrigal Dy sa TeleRadyo.

Dagdag pa nito, ang COVID testing ay required sa mga buntis  bago papasukin sa mga ospital.

“Fortunately sa mga na-encounter natin, wala naman kaming nakikita na paglabas ng baby ay may severe COVID infection. If ever meron po very kaunti lang po kasi ang mother po kapag nagkaroon ng COVID nakakakuha din ng antibodies ang baby. Napo-protektahan din ang baby.”

Nauna namang sinabi ni Dr. Sybil Bravo, pangulo ng Philippine Infectious Disease Society sa Obstetrics at Gynecology, ang infants ay nakatatanggap ng antibodies mula sa kanilang bakunadong magulang sa pamamagitan ng breastfeeding na may katumabas na proteksyon na anim na buwan.

Hinikayat din nito ang mga buntis na magpabakuna laban sa COVID maging pagpapaturok ng booster shots.

“‘Pag di po tayo nabakunahan ang epekto po ng COVID ay napaka-severe…nakita po natin maraming nag-preterm labor at nanganak po ang ating mga buntis na hindi tama sa buwan at sila ay nagsilang ng maliliit na babies,” dagdag ni Bravo. RNT/FGDC