Mas maraming economic activities sa pagitan ng US, PH target ni PBBM – envoy

Mas maraming economic activities sa pagitan ng US, PH target ni PBBM – envoy

July 1, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas maraming economic activities sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“The President told me that he really would like to see more economic activities between the United States and the Philippines,” ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez.

“I think we are already going along that path right now. We’ve had quite a number of economic forums in the past, we’re going to have more of that,” dagdag na pahayag nito.

Aniya, nag-usap na sila ni Finance Secretary Benjamin hinggil sa bagay na ito partikular na ang makakuha ng mas maraming investments mula Amerika.

“He (Diokno) would like to continue if not double up on our effort in promoting the economy and getting more foreign investments, particularly in the United States,” ayon kay Romualdez.

“very stable and strong” naman kung ilarawan ni  Romualdez ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos, lalo pa’t malinaw ang naging  nagpahayag ang Biden administration na nais nitong makatrabaho ang  Marcos presidency.

Nauna rito, binigyang-diin ni  Pangulong Marcos  sa kanyang inaugural speeach   ang kahalagahan ng pagpapalakas at paglikha ng relasyon sa ibang estado.

Naniniwala kasi si Pangulong Marcos na  ang transformation ng world economy at post-pandemic recovery  ay depende sa ‘partnership’ nito sa ibang bansa.

Inihayag ito  ni Pangulong Marcos sa harap ng mga foreign dignitaries na nakiisa sa kanyang vin d’honneur  sa  National Museum of Fine Arts. Kris Jose