Mas maraming envoy, bumisita kay Marcos

Mas maraming envoy, bumisita kay Marcos

June 10, 2022 @ 4:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patuloy ang pagdating ng mga  diplomats para magbigay ng courtesy visits kay  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kabilang na rito sina  United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez, Sweden Ambassador Annika Thunborg, Ambassador Charles Brown of the Holy See, at Irish Ambassador William Carlos.

Sinabi ni Thunborg  na ang kampanya laban sa ilegal na droga ay  pinag-usapan sa miting nito kay  Marcos.

“Yes, it was specifically discussed with the president and as mentioned, the very strong commitment to continue the war on drugs within the framework of the law and with respect for human rights and focus on rehabilitation and socio-economic development was expressed,” ayon kay Thunborg.

Nauna rito, sinabi ni Marcos na hiniling sa kanya ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte na ituloy nito ang kanyang giyera laban  sa ipinagbabawal na gamot subalit sa sarili nitong paraan.

Noong panahon ng kampanya, sinabi ni Marcos na hahabulin ng susunod na administrayson ang  mga ‘big targets.’

Sinabi pa niya na makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa  foreign counterparts sa pagpuksa sa ilegal na droga.

Maliban sa problema sa ilegal na droga, sinabi ni Thunborg na ang  economic at  financial policies, at maging ang  transnational crimes, ay napag-usapan din sa courtesy call. Kris Jose