Mas maraming farm schools hirit ng TESDA

Mas maraming farm schools hirit ng TESDA

August 25, 2022 @ 1:53 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga magsasaka, kooperatiba at entrepreneurs na magtatag ng mas marami pang farm schools sa kani-kanilang lokalidad upang lalo pang palakasin ang rural development.

Sa idinaos na “Training of Facilitators on Farm Business School” seminar sa Cavite, ibinahagi ni TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III na ang pagpapaigting sa agriculture-based training ay makapagpapahusay sa “productivity at competitiveness” ng mga magsasaka.

Sinabi pa niya na ang mga magsasakang Filipino ay maaaring kumita ng P2,300 kada buwan para sa kalahating-ektarya ng binungkal na lupa at karamihan sa mga magsasaka aniya ay hindi sapat ang kinikita para suportahan ang kanilang pamilya.

“This training has been designed so that our farmers will have the right knowledge, skills, and attitudes that will help increase their agricultural production through new technologies and entrepreneurial activities,” ayon kay Bertiz.

Bilang bahagi ng enterprise-based training o “EBT to the Max” initiative, ipinatutupad ng TESDA ang Program on Accelerating Farm School Establishment (PAFSE) para i- promote ang paglaganap ng farm schools, at paggamit ng “farmer to farmer, learning by doing” methodology.

“To be able to offer agri-related programs, farms can be less than one hectare or even larger than 10 hectares in area. Some 62 training programs may be registered with TESDA and offered to the public under the PAFSE,” ayon sa ulat.

Kabilang na rito ang qualification titles gaya ng Agricultural Crop Production, Aquaculture, Horticulture, Organic Agriculture Production, Rice Machinery Operations, at Animal Production, at iba pa.

Sakop ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng TESDA ang “costs of training and assessment.”

Ang mga target beneficiaries ng programa ay kinabibilangan ng mga magsasaka, mangingisda art mga kamag-anak nito at magng miyembro ng komunidad kung saan may matatagpuan na farm school.

Sa ngayon, mayroong 399 farmer field school programs na nakarehistro sa TESDA na ipinatutupad sa iba’t ibang farm schools at maging sa private at public institutions sa buong bansa. Kris Jose