Mas maraming investment sa rail transport, hirit ni PBBM

Mas maraming investment sa rail transport, hirit ni PBBM

July 16, 2022 @ 3:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas maraming investments sa rail transport sector.

Sa katunayan, inatasan nito ang Department of Transportation (DOTr) na bumalik sa negotiating table upang tiyakin ang loan agreements para sa tatlong big-ticket railway projects.

“The President was referring to the Subic-Clark Railway Project; the Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project and the Davao-Digos segment of the Mindanao Railway Project (MRP),” ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez.

Ani Chavez, ang tatlong railway projects ay popondohan sa ilalim ng official development assistance (ODA) ng China sa pamamagitan ng loan agreements sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Peoples Republic of China.

“There was a policy discussion on three China ODA Rail Projects in last Tuesday’s Cabinet Meeting during which the President commented that as a matter of policy, we should encourage more investments in rail and that we should focus more on rail transport,” ayon kay Chavez.

Ipinaliwanag naman ni Chavez ang kalagayan ng bawat isa sa tatlong big-ticket railway projects:

Noong nakaraang Enero, ang kontrata para sa P142-billion PNR South Long-Haul Project — tinawag din na PNR Bicol Express — ay in- award sa joint venture ng China Railway Group Ltd., China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd., at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd.

Ang P83-billion Tagum-Davao-Digos segment ng MRP, sa kabilang dako, nabigong magpatuloy matapos na hindi nagawa ng China na makapagsumite ng shortlist ng nga contractors para sa design-build contract nito.

Samantala, ang kontrata para sa pagpapatayo ng P51-billion Subic-Clark Railway Project ay in-award sa China Harbour Engineering Co. noong Disyembre 2020.

Ani Chavez, ang loan agreements para sa tatlong railway projects ay kinokonsidera ngayong “withdrawn” matapos na mabigo ang Chinese government na aksyunan ang funding requests ng nakalipas na Duterte administration.

“Negotiations for the three projects began in 2018 and have been approved by the National Economic and Development Authority (NEDA) to receive official development assistance (ODA) loan from China,” ayon kay Chavez.

“From 2021 to 2022, the Department of Finance (DOF) informed China Eximbank that the submitted loan applications would only be valid until May 31, 2022, and would be automatically withdrawn if not then approved. Finance Secretary Carlos Dominguez III later decided to cancel the loan applications with China in the light of the upcoming transition of government and in deference to the incoming administration,” dagdag na pahayag nito.

Aniya, ang iba pang funding options ay kinokonsidera rin para sa tatlong railway projects gaya ng posibilidad na buksan Ito sa private sector lalo pa’t ang government thrust ay tungo sa public-private-partnerships (PPP). Kris Jose