Mas maraming mangingisdang Pinoy balik-Masinloc na

Mas maraming mangingisdang Pinoy balik-Masinloc na

March 25, 2022 @ 10:22 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dumaraming presensya ng mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc, Zambales.

Sa pinaigting na mga operasyong pandagat mula Pebrero 28 hanggang Marso 5, 2022, na-monitor ng PCG ang humigit-kumulang 45 bangkang pangisda ng mga Pilipino na nagsasagawa ng mga aktibidad sa pangingisda sa kalapit na karagatan ng Bajo De Masinloc.

Sa pamamagitan ng patuloy na “Bayanihan sa Karagatan,” ang mga tauhan ng BRP Capones (MRRV-4404) ay nagbigay sa mga Pilipinong mangingisda  ng mga relief supplies at COVID-19 kits upang itaguyod ang kanilang kalusugan at kapakanan sa dagat.

Itinuring ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu ang kamakailang datos bilang isang makabuluhang milestone sa pagtataguyod ng maritime security at maritime safety sa nasabing vicinity waters na matatagpuan 124 nautical miles kanluran ng Zambales.

“Seeing more Filipino fishing boats in Bajo de Masinloc is a proof of our intensified efforts to safeguard Filipino fishermen who consider fishing as their primary source of livelihood. Through our regular interaction, we assure them that the PCG will remain active and present in the area. Lagi naming binabanggit sa kanila na narito kami para pangalagaan ang kanilang kapakanan at itaguyod ang kanilang kaligtasan,” ani CG Admiral Abu .

Noong 2021, iniulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang ilang insidente nang matagumpay na ipinatupad ng PCG at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga patakarang nakabatay sa at mapayapang pamamaraan laban sa mga kahina-hinalang dayuhang sasakyang pandagat at “shadowing” na mga barko ng China Coast Guard (CCG) na nakita sa paligid ng Bajo de Masinloc.

Binigyang-diin ni NTF-WPS Chairman at National Security Adviser, Secretary Hermogenes Esperon ang pangangailangang hikayatin ang mga mangingisdang Pilipino na manghuli ng isda sa Bajo de Masinloc na itinuturing na tradisyonal na pangisdaan.

Batay sa pahayag ni  Esperon, iniutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang PCG na ipagpatuloy ang pinaigting na deployment ng mga asset at tauhan para protektahan ang mga mangingisdang Pilipino.

“The Area Task Force – North of the NTF-WPS provides operational direction for Bajo de Masinloc and Philippine Rise. Our units will continue to augment and support the Area Task Force – North of the NTF-WPS to safeguard Filipino fishermen in the said vicinity waters,” dagdag ng Coast Guard Commandant

“The PCG is here to be of service to the Filipino people by remaining steadfast in its duty to protect the country’s waters and safeguard every Filipino at sea. This is our commitment to the nation,” ayon pa kay CG Admiral Abu. Jocelyn Tabangcura-Domenden