Mas maraming “partnership” sa Pinas sa auto industry, target ng Tsina

Mas maraming “partnership” sa Pinas sa auto industry, target ng Tsina

July 12, 2022 @ 10:51 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umaasa ang Chinese government ng mas maraming “partnership” sa Pilipinas pagdating sa automotive industry.

Sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, siya ay “looking forward to seeing the Philippines-China cooperation in the auto industry achieving more fruitful outcomes.”

Labis na umaasa si Huang sa bagay na ito lalo pa’t ang Philippine auto industry ay pang-9 sa pinakamalaki sa Asia-Pacific region.

Aniya, ang bansa ay mayroong “an extensive market and promising prospects, which also provides plenty of opportunities for future cooperation between our two countries.”

“Looking forward, China will continue to make an all-out effort to stabilize the sound development of the country’s auto industry, promote the development of NEVs (neighborhood electric vehicles) and intelligent internet-connected vehicles, and elevate the stability and competitiveness of the industrial chain,” ayon kay Huwang.

Sa naging pagbisita kamakailan ni Chinese Foreign Minister Wang Yi to the Philippines, nangako si Wang Yi na mas patatatagin at palalakasin ng China ang lahat ng aspeto ng “comprehensive and strategic partnerships.”

Para kay Huang, ang mayabong na auto industry ay nagbibigay-diin sa “resilient and complete automotive industry chain” sa China.

“This in turn stabilizes the global supply chain and the international market amid the pandemic,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose