Mas maraming Pinoy, gutom! – SWS

Mas maraming Pinoy, gutom! – SWS

March 25, 2022 @ 7:48 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nasa tatlong milyong pamilya sa buong bansa ang nakaranas ng gutom dahil sa walang makain, kahit isang beses sa loob ng tatlong buwan, ayon sa fourth-quarter survey ng Social Weather Station (SWS) showed.

Base sa polling firm, umakyat sa 11.8 porsyento ang hunger rate sa Pilipinas noong Disyembre 2021, mas mataas ng 1.8 porsyento kumpara sa naitalang 10 porsyento noong Setyembre ng parehong taon.

“The resulting annual average Hunger rate for 2021 is 13.1 percent versus the record-high 21.1 percent for 2020. However, this is still above the 9.3 percent annual average for 2019, before the COVID-19 pandemic,” ayon sa SWS nitong Biyernes.

Naitala naman sa Metro Manila ang worst incidence na 22.8 porsyento nkumpara sa 14.0 porsyento noong Setyembre. Sinundan ito ng Mindanao na may 12.2 porsyento at Visayas, 9.7 porsyento.

Lumabas din sa December 2021 survey na 43 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap, 39 porsyento ang itinuturing silang borderline poor habang 19 porsyento ang nagsabing hindi sila mahirap.

Ang naturang survey ay isinagawa mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021, at nilahukan ng 1,440 Pilipinong nasa hustong gulang adults sa pamamagitan ng face-to-face interviews. Mayroon itong sampling error margins na ±2.6% para sa national percentages at ±5.2% para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao. RNT/SA