Mas maraming PPP para sa infra, local projects target ng PH gov’t sa 2023

Mas maraming PPP para sa infra, local projects target ng PH gov’t sa 2023

December 28, 2022 @ 5:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nilalayon ng Philippine government na ituon ang pansin sa public-private partnerships para sa infrastructure at local projects para sa susunod na taon.

Base sa National Economic and Development Authority’s (NEDA) year-end report, sinabi ni Press Undersecretary Cheloy Garafil na gagawin ng administrasyong Marcos para mapalakas ang ekonomiya at paglikha ng hanapbuhay.

“NEDA plans to steer the implementation of the Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, pursue its advocacy, and monitor the progress of plan implementation vis-à-vis targets,” ayon kay Garafil.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Philippine Development Plan, magbabalangkas sa economic goals at estratehiya ng bansa sa ilalim ng kanyang termino.

“NEDA will also start the programming of national projects through an Investment Coordination Committee (ICC) appraisal and finalize the Regional Development Plan,” ani Garafil.

Maliban sa mga ito, isasapinal din ng NEDA ang Public Investment Program (PIP) para sa 2023-2028 at ang 3-year Rolling Infrastructure Plan (TRIP) na itinakda para sa 2024-2026.

Bago ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang PPP ay “favored mode for financing large infrastructure projects.”

Mas pinili naman ni Duterte na ang gobyerno ang mag-finance ng mga proyekto nito sa pamamagitan ng official development assistance at iba pang loans.

Ang sovereign debt ng Pilipinas ay pumalo sa P13.64 trillion “as of end-October.”

Samantala, umaasa naman ang NEDA na i- adopt ang “five-year most favored nation tariff structure” at ipasa ang 30 measures na naiwan sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) common legislative agenda.

“This will be “based on the prioritization criteria,” ayon sa kalatas.

“The government socioeconomic planning body also carried out measures to help ease the impact of the global inflationary pressures, facilitated the adoption of the LEDAC-CLA, and helped implement the PhilSys,” ayon kay Garafil. Kris Jose