Mas maraming sports facilities pinatatayo ng solon

Mas maraming sports facilities pinatatayo ng solon

August 22, 2022 @ 11:37 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Isinusulong ni Quezon City Rep. Franz Pumaren ang panukalang batas na may layuning itaas ang competitiveness sa larangan ng palakasan at sa mga atletang Pinoy sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming sports facilities at paglatag ng komprehensibong plano para rito.

Nakapaloob sa House Bill 2257, o kikilalaning “Sustainable Sports Facilities Act of 2022.” ang panukalang pagtatayo, at maiangat na pagpapanatili ng mga government-funded sports facilities sa bansa.

“These sports facilities would include all government-funded stadia, coliseums, arenas, sports centers and complexes, running tracks, courts, swimming pools, convention centers, media centers and athletes’ villages,” saad pa sa panukala.

Binigyang diin ni Pumaren sa HB 2257 na lahat ng nagpapatakbo sa mga sports facilities na ginugugulan o ginagastusan ng gobyerno ay kinakailangang magkaroon ng “sustainability plan” na isusumite at nasa ilalim ng monitoring ng Philippine Sports Commission (PSC).

Kabilang sa mga sustainability plan na dapat ipatupad sa mga pasilidad na nabanggit ay ang:

1) plans for future hosting and use of the sports facility after the event for which it was built is completed,

2) regular maintenance, upkeep, repair, and renovation,

3) income-generating activities, sufficient to cover the maintenance and repair of the sports facility,

4) installation of energy-saving and water-saving systems,

5) water conservation measures,

6) waste management, recycling, and composting facilities,

7) use of renewable energy.

Si Pumaren bago naging mambabatas ay isang professional basketball player at coach.

Naunang naghain ng panukalang batas si Surigao Rep. Robert Ace Barbers nagsusulong naman ng pag-aalaga sa mga atleta kabilang dito ang mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga bayani sa larangan ng isports.

Sa pamamagitan ng House Bill 3716, sinabi ni Barbers na ang isa sa pagkilala sa kadakilaan at pagsisikap ng isang atleta ay ang maging huling hantungan nila ang Libingan ng mga Bayani.

“Filipino sports icons have this amazing, unique way of making a positive impact in our society. They are our source of inspiration and strength in direst situations and serve as good role models, especially to the youth. With their incredible achievements that brought honor to our country, they deserve a spot at the Libingan ng mga Bayani”, dagdag pa ng kongresista.

Nakapaloob sa panukala na mapahintulutan ang mga itinuring na “sport heroes” sa Libingan ng mga Bayani matapos makapagbigay ng parangal, medalya at pagkilala mula sa iba’t ibang palaring sinalihan sa buong mundo. Meliza Maluntag