Mas maraming Thai investments, naghihintay sa Pinas

Mas maraming Thai investments, naghihintay sa Pinas

November 21, 2022 @ 9:20 AM 7 days ago


MANILA, Philippines- Nangako ang Thai industries na magbubuhos  ito ng mas maraming investment sa Pilipinas partikular na sa  pagkain at imprastraktura.

Ang commitment na ito ni Kriengkrai Thiennukul, chairman ng  Federation of Thai Industries,  ay inihayag niya sa isang roundtable conference sa pagitan ng  Thai business leaders at Philippine economic managers at mga opisyal ng Bangkok.

“We are ready to support… investing in food security and infrastructure such as transportation and promoting tourism with the Philippines to enhance the business sector for mutual expansion between the two countries in the future,” ayon kay Thiennukul.

Nagpahayag  ng kumpiyansa si Thiennukul ng “stronger partnerships” sa pagitan ng  Thailand at Pilipinas na makatutulong sa  paglago ng ekonomiya sa kani-kanilang bansa.

“We welcome to support trade, investment and other cooperation activities. I am confident that the cooperation and the close relationship between Thailand and the Philippines will help us achieve our economies’ trade and investment objectives and create mutual benefit for the two countries in the future,” dagdag na pahayag nito.

Tinukoy ang kahalintulad na problema na kinahaharap ng  Asian economies gaya ng epekto ng  climate change sa supply chain, pandemiya at global political instability, sinabi ni  Thiennukul na mahalaga na muling pasiglahin ang sektor ng ekonomiya  lalo na ang ituon ang pansin sa sustainable development.

“We have the same goal to focus on the joint development of public health, especially in the ASEAN Framework. The development of the digital economy, the use of the digitalization and implementation of BCG Model in revitalizing the economy,” dagdag na pahayag nito.

Ang BCG o Bio-Circular-Economy model, ay ipinakilala ng   Thai government  bilang estratehiya para sa  national development at post-pandemic recovery para mapabilis ang pagkilos para agad na makamit ang  Sustainable Development Goals sa post-Covid era.

Ang miting ng  Thai businesses ay bahagi ng panghihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.’ na mamuhunan at palakasin ang  economic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) neighbors.

Ang Federation of Thai Industries  ay isang non-profit organization na kumakatawan sa Thai industrial sector.

“It serves as the core organization that connects public and private sectors as well as the relationship between industrial shoppers and entrepreneurs, both domestic and international,” ayon sa ulat. Kris Jose