QCPD official, iba pa nahaharap sa reklamo ng cover-up

August 18, 2022 @1:25 PM
Views:
2
MANILA, Philippines – Nahaharap sa reklamo ang opisyal ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District at iba pang pulis.
Ito ay dahil umano sa cover-up ng isang hit and run incident na ikinasawi ng isang tricycle driver sangkot mismo ang naturang opisyal.
Ayon sa People’s Law Enforcement Board ng Quezon City, mahaharap sa reklamong grave misconduct, grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer si QCPD-CIDU head P/Lt. Col. Mark Julio Abong.
Mismong ang mga kapatid ng biktima na sina Arlene Laroa Buenvenida, Annale Laroa Alba at Armida Laroa Carbonel ang naghain ng reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office noong Agosto 11 laban kay Abong.
Maliban dito, nagsampa rin ng reklamo ang mga kapatid ng biktima laban kina Station 3 Commander P/Col. Alexander Barredo at P/Cpl. Joan Vicente dahil sa hindi nito paghuli kay Abong kahit na naroon na mismo ang mga ito sa pinangyarihan ng insidente.
Dagdag pa nito, inireklamo rin ng pamilya ng biktima ang traffic investigator na si Jose Soriano dahil naman sa hindi pagtukoy kay Abong bilang driver ng nakabanggang Ford Ranger pick-up.
“Kung sana hindi pinabayaan ni Abong na mamatay ang aming kapatid, mapapatawad pa sana namin siya. Sana kaagarang dinala niya sa hospital. Pero hindi niya ginawa. Nakuha pa niyang pagtakpan ang kasalanan niya sa pamamagitan ng grand cover-up ng mga kapulisan,” ani Buenvenida.
“Nag-file kami ng kaso sa PLEB dahil sa tingin namin, dito na lang namin makakamit ang hustisya. Nag-usap usap ang mga pulis para pagtakpan ang insidenteng ito. Nakakapanlumo,” dagdag pa niya.
Ayon naman kay QCPD Director Nicolas Torre III, na-relieve na sa pwesto noong Martes, Agosto 16 si Abong at nangakong makikipagtulungan sa mga biktima. RNT
Top 1 Most Wanted Person ng Magsingal, Ilocos Sur, arestado

August 18, 2022 @1:23 PM
Views:
2
ILOCOS SUR – Swak sa kulungan ang isang 47-anyos na lalaki matapos arestuhin ng mga otoridad sa Brgy. San Julian ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Agosto 17.
Kinilala ng Magsingal Municipal Police Station ang naaresto na si Virgilio Arieta y Tagupay, may asawa, residente ng Brgy. Namalpalan, Magsingal, Ilocos Sur.
Si Arieta ay nakalista bilang Top 1 Wanted Person, municipal level.
Ang akusado ay inaresto ng mga miyembro ng Magsingal MPS sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 24, Cabugao, Ilocos Sur na may petsang Agosto 15, 2022 dahil sa kinahaharap nitong kasong rape na with no bail recommended. Rolando S. Gamoso
Clarkson, Sotto nangunguna sa listahan ng 24-man Gilas pool

August 18, 2022 @1:19 PM
Views:
2
MANILA, Philippines – Nanguna sa 24-man Gilas Pilipinas pool sina Utah Jazz star Jordan Clarkson at Adelaide 36ers big man Kai Sotto para sa fourth window ng Asian Qualifiers ng 2023 FIBA World Cup.
Narito ang Gilas 24-man Preliminary Pool para sa FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers – Window 4.
Kasama sa dalawang international talents sa listahan — na kinabibilangan ng pinaghalong overseas campaigners, PBA players at amateurs — na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay ang mga sumusunod:
Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks
Dwight Ramos, June Mar Fajardo, CJ Perez, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Arvin Tolentino, Robert Bolick, Jamie Malonzo, Ian Sangalang, Jio Jalalon, Calvin Oftana, Kevin Alas
Chris Newsome, Allein Maliksi. Raymond Almazan, Roosevelt Adams, Carl Tamayo
Francis Lopez, Kevin Quiambao.
Ayon sa SBP, aalisin sa pool ang mga manlalaro mula sa nanalo sa do-or-die PBA semis game noong Miyerkules sa pagitan ng San Miguel (Fajardo at Perez) at Meralco (Almazan, Maliksi at Newsome).
Makakalaban ng Gilas ang Lebanon sa Beirut sa Agosto 25 at Saudi Arabia sa Mall of Asia Arena sa Agosto 29. RICO NAVARRO
Imbakan ng ismagel na asukal sa Pampanga sinalakay ng BOC

August 18, 2022 @1:12 PM
Views:
8
SAN FERNANDO, Pampanga – SINALAKAY ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega na hinihinalang nag-iimbak o nagtatago ng sako-sakong asukal gayundin ng iba’t-ibang imported na produkto sa San Fernando City sa Pampanga.
Sa bisa ng Letter of Authority at Mission Order na inisyu ng pamunuan ng BOC, sinalakay ng mga operatiba ang bodega na matatagpuan sa New Public Market, Barangay Del Pilar, San Fernando bilang bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipatupad ang “visitorial powers” sa lahat ng mga bodega o yung tinatawag na Customs Bonded Warehouse upang masiyasat ang imbentaryo partikular na ang mga imported agricultural products na naglalayong malaman kung may nagaganap na “hoarding”.
Sa nasabing pagsalakay, bukod sa mga sako-sakong asukal ay nadiskubre din ang mga sako-sakong mga cornstarch galing China, sako-sakong imported flour, plastic products, oil in plastic barrels, motorcycle parts, mga gulong na iba’t-ibang brand, helmet, at mga television sets.
Patuloy naman na iniimbestigahan ng BOC ang Chinese Filipino warehouse keeper na si Jimmy Ng na tumanggap ng kanilang mission order at letter of authority.
Maaaring maharap sa kaso ng smuggling na may kaugnayan sa Customs Modernization Act ang may-ari ng nasabing warehouse sa oras na wala itong maipakitang kaukulang dokumento sa mga produktong pang-agrikultura na nadiskubre sa kanilang bodega. Jay Reyes
SMB ‘di patatalo sa TNT sa PBA Finals

August 18, 2022 @1:09 PM
Views:
8