Mas masaganang 2022 hiling ni PDu30 sa Chinese New Year

Mas masaganang 2022 hiling ni PDu30 sa Chinese New Year

February 1, 2022 @ 10:55 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Dalangin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kasaganaan, kalusugan at kaunlaran para sa 2022 na year of the Water Tiger.

Sa naging mensahe ng Pangulo, ipinaabot ng Chief Executive sa Filipino Chinese Community, sinabi nitong ang year of the Water Tiger ay nagbibigay ng pag- asa para sa magandang kapalaran at panibagong lakas lalo’t pilit aniya tayong bumabangon sa pandemya at iba pang hamon.

Sinabi pa ng Pangulo na dahil na din sa determinasyon, tapang at pananalig ay mas naging malakas tayo bilang isang nasyon.

Sa kabilang dako, umapela naman ang Chief Executive na ipagpatuloy lang ang bayanihan at malasakit lalo na sa hanay ng mga nangangailangan.

Umapela rin ang Punong Ehekutibo na maipagpatuloy pa ang paghahanap ng mga oportunidad para sa lalo pang kasaganaan ngayong bagong taon at pagiging instrumento ng kapayapaan at pagbibigayan. Kris Jose