Mas mataas na buwis sa super rich, ‘kabaliwan’ – Padilla

Mas mataas na buwis sa super rich, ‘kabaliwan’ – Padilla

July 22, 2022 @ 4:58 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang malaking kabaliwan ang planong pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga super rich na ipinanukala ni Senador Win Gatchalian kamakailan, ayon kay Senador Robin Padilla.

Ayon sa mambabatas, ilan lamang ang pagbubuwis na mataas sa mayayaman sa mga pangkaraniwang solusyon ng gobyerno upang tugunan ang kritikal na sitwasyon pero kung ikokonsidera ang paghihirap ng kinahaharap ng Filipino ngyaon, kabilang ang pandemya at tumataas na presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin, maaaring magdagdag ng insulto ang panukala sa sugat.

Iginiit pa nitya na dapat malinaw ang kung saan kukunin ang buwis dahil malamang magreresulta ito ng cost-curring sa mga kompanya na makakaapekto sa mga manggagawa.

“Bagamat ito ang pangkaraniwang solusyon ng pangkalahatan ng mga gobyerno, pero sa ngayon, maituturing itong isang malaking kabaliwan dahil ang magdagdag ng tax sa gitna ng patong-patong na crisis na ito ay adding insult to injury. Saan daw kukunin ang tax sa kanila?” ayon kay Padilla sa statement.

“Kailangan malinaw kung saan kukunin sa mga super-rich dahil ang kadalasan sa salita lang ‘yan na sa kanila kukunin pero mauuwi sa cost-cutting ng kumpanya o individual na ang tatamaan ‘yun mga maliliit,” dagdag niya.

Sinabi ni Padilla na magpapataw ng mas mataas na buwis sa mga mayayaman dahnil tiyakin na hindi makakaapekto ito sa ordinaryong mamamayan dahil may pamamaraan ang mayayaman na protektahan ang kanilang kita.

“Ang mga super-rich ay may mga financial lawyers and advisers na nag-aaral at nagbibigay proteksyon sa kita ng kanilang mga kliyente at kumpanya. Sa pagkakaalam ko nga po may departamento ‘yan sa mga opisina,” aniya.

Kamakailan, ipinanukala ni Gatchalian na magpataw ng dagdag na buwis sa mayayaman upang makakalap ng kita ang pamahalaan. Ernie Reyes