Mas mataas na FDI asahan sa WEF attendance ni PBBM – PEZA

Mas mataas na FDI asahan sa WEF attendance ni PBBM – PEZA

January 22, 2023 @ 1:26 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Asahan na ang mas mataas na foreign direct investments (FDI) ngayong taon sa partisipasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa katatapos lamang na 2023 World Economic Forum (WEF).

Ito ang sinabi ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) nitong Sabado, Enero 21 kung saan nagpahayag ng kumpiyansa si PEZA deputy director general Aleem Siddiqui Guiapal sa magandang dulot ng partisipasyon ng Pangulo sa WEF sa Davos, Switzerland.

“Magandang programa po itong ginagawa ng ating Presidente. Unang-una po, the political will for a certain country na pinaghahandaan iyong investments especially iyong adhikaing mapalago po iyong foreign direct investment ay magandang mensahe po,” ani Guiapal.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng ulat niya na tumalon sa 103% o P140.7 bilyon ang investments na inaprubahan ng PEZA sa huling bahagi ng 2022.

“So, when they came here, noong nag-pledge sila, ang unang ginawa ng ating ahensiya ay nakipagpulong po kami sa kanilang top management,” sinabi ni Guiapal.

“Minsan po kailangan puntahan ng management ang PEZA sa ibang bansa, mayroon din naman pong pamamaraan na sila iyong pumupunta dito, iniikot natin sila sa mga lokasyon kung saan sila puwedeng mag-locate,” dagdag pa niya. RNT/JGC