MAS MATAAS NA “HOME LOANS” INILABAS NG PAG-IBIG FUND SA UNANG BAHAGI NG 2022

MAS MATAAS NA “HOME LOANS” INILABAS NG PAG-IBIG FUND SA UNANG BAHAGI NG 2022

July 2, 2022 @ 5:02 PM 1 month ago


UMABOT sa P40.41 billion pesos ang kabuuang home loans na naaprubahan ng Pag-IBIG Fund mula January 2022 hanggang May 2022, o 15% na mas mataas kumpara sa kaparehas na panahon noong taong 2021.

Pagmamalaki ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund, ito ay isa na namang “record high” para sa ahensya.

Ayon kay DHSUD o Department of Human Settlement and Urban Development secretary at Pag-IBIG Fund board of trustee’s chairperson Eduardo del Rosario, pagpapakita ito ng kumpiyansa at katatagan ng provident fund company.

Paliwanag naman ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy Moti, ang pondo ay nagamit para sa acquisition and construction ng 36,865 na pabahay para sa mga miyembro na mas malaki ng 5% kumpara sa mga naitayong pabahay sa kaparehas na panahon noong taong 2021. Kabilang din dito ang 6,787 na socialized housing.

-ooOoo-

HILING NG BUSINESS GROUP, PALAKASIN ANG INTERNET SERVICE SA BANSA

MULING hiniling ng PCCI o ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa 19th Congress ang pagpapabuti ng internet services sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga bagong batas ukol dito.

Kabilang anila sa dapat pakatutukan ng bagong Kongreso na pamumunuan ni first district Leyte representative Ferdinand Martin Romualdez na siyang napipisil na maging Speaker of the House ay ang

ü  Open Access Data Transmission Act;

ü  Rural Wired Connectivity Development Act;

ü  Spectrum Management Act;

ü  Better Internet Service Act; at ang

ü   Satellite-based Technologies Promotion Act

Naniniwala ang PCCI na ang mga batas na kanilang isinusulong ay makapag-aalis ng mga legal obstacles at papalit sa mga outdated internet laws ng bans ana pumipigil sa Pilipinas para makasabay sa mga kapitbahay nito sa ASEAN region pagdating sa information and communications technology.

Sa kasalukuyan, ang broadband speed sa bansa ay nasa 50.62 Mbps, labing-apat na beses na mas malakas kumpara sa 3.6 Mbps noong taong 2014.

Sa pamamagitan ng “common tower policy” na ipinatupad ng Duterte administration ay mula sa ranggong 108th ng bansa pagdating sa global broadband speed ay nasa 72nd ang bansa.

Pinayagan ang paggamit ng mga ICT service providers sa mga bagong tayong telecommunication infrastructures.

Paniniwala pa ng PCCI, malaki ang magagawa ng pagpapalakas ng internet service sa mga kanayunan lalo pa’t malaking bilang pa ng populasyon ang hindi konektado sa internet service kabilang ang 53% ng mga indibidwal, 57% ng mga kabahayan, at 52% ng mga pampublikong paaralan.

Hiniling din ng PCCI ang pag-aalis sa pangangailangan para sa congressional franchise sa mga data transmission service. Ang Pilipinas na lamang diumano ang may ganitong polisiya sa panahon ng digital age.