Mas mataas na overseas voter turnout sa Halalan 2022 inaasahan ng Comelec

Mas mataas na overseas voter turnout sa Halalan 2022 inaasahan ng Comelec

April 21, 2022 @ 2:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahan ng Commission on Elections ang mas mataas na turnout para sa overseas voting sa Halalan 2022, ayon isa isa sa commissioners nito ngayong Huwebes.

“Our overseas voting right now is very much interesting because you know in the first day there’s so many overseas voters who want to vote,” ani Comelec Commissioner Marlon Casquejo.

“So, we are expecting a much higher voting turnout as compared in 2016 and 2019 elections.”

Makikita sa datos ng Comelec na halos 1.7 milyong Pilipino na naninirahan sa ibang bansa ang rehistrado para sa Halalan 2022.

Ayon kay Casquejo, lampas na sa kanilang target ang kasalukuyang bilang ng mga nakaboto na.

“Sa ngayon, for this early time period of voting, we have already reached our target, which is more than 30 percent,” aniya.

Sinimulan ang overseas voting noong Abril 10 at matatapos sa Mayo 9. RNT/SA