MAS MATAAS NA SAVINGS, NAITALA NG PAG-IBIG FUND NITONG 2021

MAS MATAAS NA SAVINGS, NAITALA NG PAG-IBIG FUND NITONG 2021

February 8, 2022 @ 10:40 PM 8 months ago


PANIBAGONG record-high savings ang naitala ng Pag-IBIG Fund nitong taong 2021 sa kabila ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Umabot sa P63.67 billion pesos ang collective savings ng mga miyembro noong nakaraang taon 2021, 32% na mas mataas kumpara noong taong 2020 na P48.18 billion pesos lamang.

Tumaas din ang Pag-IBIG Regular Savings ng 8% mula P34.90 billion pesos noong 2020 ay naging P37.71 billion pesos nitong 2021.

Patunay ang positibong savings ng Pag-IBIG Fund sa resiliency ng mga Pilipino sa pagharap sa mga krisis at kalamidad.

Kabilang din sa lumago ang voluntary savings program na MP2 o ang Modified Pag-IBIG 2 savings na mula sa P13.29 billion pesos noong taong 2020 ay umabot sa P25.95 billion pesos.

Ipinaaalam din ng Pag-FUND na dahil maisasara na nito ang 2021 financial book ay masasabi na nito ang magiging dibedendo ng mga miyembro o bahagi sa kinita ng ahensiya noong taong 2021.

-ooOoo-

PCSO IBINALIK ANG MEDICAL ACCESS PROGRAM PARA SA PRIBADONG OSPITAL

Ipinaaalam ng Philippine Charity Sweepstakes Office na simula noong February 1, ay muling tumatanggap ng mga kahilingan para sa medical assistance sa pamamagitan ng Medical Access Program para sa pang pribadong ospital ang main office sa Shaw Boulevard at sa lahat ng branch offices ng corporate agency sa buong bansa.

Para sa National Capital Region, online application parin ang gagamitin sa pamamagitan ng PCSO MAP Online Application System na nasa PCSO website na www.pcso.gov.ph, e-services / NCR application.

Maaari namang tumanggap ng walk-in clients ang mga branch offices kung hindi available ang email o online application.

 

Ibinalik na rin ang diagnostic at laboratory test, tulad ng CT Scan, MRI at PET Scan pati na rin mga implants, kaya mas marami ang matutulungan ng PCSO kung tatangkilik tayong lahat sa mga Larong may Puso ng PCSO.