Mas mataas na SRP para sa de-lata, bottled water, iba pang produkto kasado na

Mas mataas na SRP para sa de-lata, bottled water, iba pang produkto kasado na

August 17, 2022 @ 3:57 PM 1 month ago


MANILA, Philippines-Inanunsyo ng Department of Trade and Industry na ang presyo ng 67 basic necessities and prime commodities (BNPC) ay itinaas na sa pinakabagong suggested retail price bulletin nito.

Ipinaliwanag ng ahensya na nagkaroon ng 3.29 porsyento hanggang 10 porsyentong pagtaas sa mga SRP dahil sa pagtaas ng mga presyo ng raw materials at packaging at iba pang gastusin.

Tumaas ang presyo ng de-latang sardinas ng 6 porsyento, habanag ang processed milk prices ay umakyat ng tatlo hanggang 10 porsyento, base sa DTI.

Nagmahal din ang presyo ng kape ng 5.81 hanggang 9 porsyento, habang ang 3-in-1 coffee mixes ay tumaas ng 8 hanggang 10 porsyento.

Tumaas din ang presyo ng noodles ng mahigit 3 porsyento habang ang presyo naman ng detergent soap ay umakyat ng 6 porsyento.

Tumaas din ang presyo ng bottled water ng 3.53 hanggang 10 porsyento, habang ang presyo ng kandila ay tumass ng 6 porsyenyo, batay sa ahensya.

Naiulat din ang pagtaas sa presyo ng processed canned meat at processed canned beef ng 6 porsyento.

Tumaas din ang presyo ng condiments ng 5 hanggang 6 porsyento.

“Amid these adjustments, the DTI remains steadfast in its commitment in ensuring that consumers have access to reasonably priced goods in the market, hence increases were kept to a minimum,” ani DTI Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo.

Binigyang-diin ni Castelo na regular na mino-monitor ng DTang presyo at paggalaw ng raw materials ng mga nabanggit na BNPC. RNT/SA