Mas matibay na pakikipagtulungan sa Pinas, inaasahan ng US

Mas matibay na pakikipagtulungan sa Pinas, inaasahan ng US

July 10, 2022 @ 11:33 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaasahan ng Estados Unidos na mas malapit na maka-trabaho ang administrasyong Marcos sa aspeto na palakasin ang economic growth, protektahan ang kalikasan, lumikha ng educational opportunities at tiyakin ang peace and security sa Indo-Pacific region.

Muli kasing pinagtibay ng Estados Unidos ang commitment nito sa Pilipinas sa ilalim ng bagong liderato.

Sa naging talumpati ni US Embassy Chargé d’Affaires Heather Variava sa pagdiriwang ng US-Philippines Friendship Day at US Independence Day, araw ng Biyernes, nagpahayag ito ng commitment “to work closely” kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “to secure a prosperous, healthy, and safe future for the peoples of both our nations.”

Ang pangako na ito ni Variava ay bunsod na rin ng kanyang nararamdaman na “excited by the power and impact” ng partnership ng dalawang bansa.

“At its core, our friendship and cooperation unlock the potential of our peoples through the exchange of ideas, expression of opinions, and policies outpouring of opportunity,” ayon kay Variava.

“The historical ties, the democratic values, and the cooperation between the US and the Philippines also make the two countries’ partnership as important today as it ever was,” ayon kay Variava sabay sbaing “We are indeed, safer together.”

Samantala, ang wish naman ni Variava kay Pangulong Marcos ay ang mabilis nitong paggaling matapos na hindi makadalo ang huli sa nasabing event sa US Embassy makaraang magpositbo sa antigen test para sa Covid-19. Kris Jose