Mas may pangil na batas vs online trafficking ikinasa sa Kamara

Mas may pangil na batas vs online trafficking ikinasa sa Kamara

February 1, 2022 @ 2:18 PM 8 months ago


MANILA, Philippiens – Pasado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang ang Bill No. 10658  na siyang aamyenda saRepublic Act No. 928 o  Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Layon ng panukala na palakasin ang batas sa online trafficking kung saan isasama na rin ang iba pang online abuses gaya ng  pornography.

Ayon kay Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez na malaki ang magagawa ng panukala para matugunan ang problema sa trafficking, umaasa ito na agad na maisasabatas ang panukala.

“Something has to be done to prevent exploitation of people for labor and sexual purposes,” pahayag ni Romualdez na siyang Chairman ng House committee on the welfare of children.

Sa ilalim ng panukala ay pinalawig ang depenisyon ng trafficking in persons kung saan kasama na sa offense na ito ang pornography, child sexual abuse and exploitation materials at online sexual abuse.

Layon din ng panukala na palakasin ang kapangyarihan ng mga law enforcement agencies kung saan papayagan ang court-authorized wiretaps sa kanilang pag iimbestiga sa child trafficking at online sexual exploitation.

Kabilang din sa panukala ang pagpataw ng dagdag parusa sa qualified trafficking kung ang biktima ng trafficking kabilang sa persons with disabilities, sa  indigenous community o kapag ang krimen ay nagresulta ginawa sa panahon ng  krisis o emergency at kapag ang krimen ay nagresulta sa pagkakabuntis ng biktima. Gail Mendoza