Mas murang RT-PCR COVID tests inihirit para sa turismo

Mas murang RT-PCR COVID tests inihirit para sa turismo

July 14, 2021 @ 4:35 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na pababain ang presyo ng RT-PCR tests upang mas makahikayat ng mga turista.

“We still find P3,500 quite expensive… Natataasan ako especially if you’re a family of 5,” giit ni Puyat sa isang panayam ng ANC.

“I will again bring this up with the IATF (Inter-Agency task Force) na kung puwede babaan pa kasi ang PGH nga can charge P1,800, and PCMC can charge P1,500, why can’t others do the same?”

Ilang destinasyon sa bansa ang nagrerekwara ng RT-PCR test upang makapasok sa lugar.

Upang makahikayat ng turista, sinagot ng DOT ang kalahati ng presyo ng swab test.

Samantala, nasa lokal na pamahalaan na ang desisyon kung kakailanganin ng swab test para sa mga bakunadong indibidwal.

“The LGU has a choice now so that really removes a lot,” giit ng DOT chief.

“I’m always pushing for less travel restrictions, but at the same time it has to be balanced with health and safety,” dagdag ng opisyal. RNT/ELM