Mas pinalakas na climate action igigiit ng Pinas sa COP27

Mas pinalakas na climate action igigiit ng Pinas sa COP27

November 8, 2022 @ 12:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – NANGAKO ang Philippine delegation sa 27th session of Conference of Parties (COP27) sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCC) na idinaos sa Egypt na mananawagan ito para sa mas pinalakas na climate action at mag-demand ng kung ano ang maihahatid na nararapat para sa mga developing countries.

Ito’y bunsod na rin ng patuloy na paghihirap ng Pilipinas mula sa epekto ng climate change sa kabila ng bahagyang pino-produce na anumang greenhouse gas emissions.

“As developing countries need resources for climate adaptation, the Philippine delegation will continue calling on developed countries to step up to these obligations and deliver without delay on their commitments on climate finance, technology transfer and capacity building,” ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, pinuno ng Philippine delegation.

Ang pahayag na ito ni Loyzaga ay matapos na tamaan ang Pilipinas ng tropical storm Paeng (international name: Nalgae), nag-iwan ng 150 kataong patay at naapektuhan naman ang mahigit sa 4.6 milyong katao.

Ayon sa environment department, dahil kay Paeng, nawalis ang ilang taon na progreso, winasak ang mga tahanan at kumitil sa buhay ng 150 katao.

“The increasing intensity and frequency of climate and weather-related hazards have been severely impacting the lives and livelihood of every Filipino people and putting a strain on the Philippine government’s efforts toward poverty reduction and sustainable economic growth,” anito.

“The Philippines is prepared to be a part of that solution. Participation in COP27 is important as this is the biggest platform for nations and stakeholders to negotiate and address climate change and its adverse impacts,” wika pa ni Loyzaga.

Ang COP27 ay idaraos simula ngayong araw ng Martes, Nobyembre 8 hanggang 16. Kris Jose