Mas pinalakas na vaxx program isulong vs high travel risk ng US CDC

Mas pinalakas na vaxx program isulong vs high travel risk ng US CDC

August 19, 2022 @ 7:25 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang mas malakas na kampanya sa pagbabakuna matapos ilagay ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang Pilipinas sa Level 3 o high travel risk sa COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ang kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas sa COVID-19 ay malayo na kaysa noong 2020 nang magsimula ang pandemya..

Sinabi ng DOH na halos lahat ng mga border sa buong mundo ay bukas na, at isinasaalang-alang ang pagbuo ng mga bakuna para sa COVID-19 at mga booster shots.

“With this, the DOH highlights the importance of a stronger vaccination campaign to build and reinforce our country’s wall of immunity,” sabi ng DOH.

Sinabi ni DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire na maiiwasan ng mga bakuna  ang  severe at critical diseases na dala ng impeksyon ng coronavirus.

Ngayong nakikita na natin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, mahalaga  na panatilihing ligtas at protektado ang mga Pilipino laban sa malala at kritikal na anyo ng sakit.

Inulit din ng DOH na bakuna kasabay pagsunod sa minimum public health standards ay ang susi upang maiwasan ang transmission.

Sa pagturing naman sa Pilipinas na nasa  high level ng COVID-19 , sinabi ng US CDC sa mga hindi up to date ang kanilang bakuna na dapat iwasang mag-travel sa bansa .

Sinabi rin na ang mga humina ang immune system o nadagdagan ng peligro para sa severe disease ay dapat komunsulta sa kanilang doktor at huwag munang bumiyahe sa Pilipinas kahit pa up to date ang kanilang bakuna.

Ito ay matapos maobserbahan ng US CDC na ang Pilipinas ay may mahigit 100 bagong kaso ng COVID-19 kada 100,000 populasyon sa nagdaang 28 araw .

Sinabi ng DOH na gumamit ang Pilipinas ng ibang set ng metrics para matukoy ang COVID-19 risk classifications sa bansa, kumpara sa ginamit ng US CDC.

Sinabi nito na ang Pilipinas ay nakatutok sa average daily attack rate  sa nakalipas na dalawang linggo, at ang kapasidad ng healthcare system.

Isinasaalang-alang din nito ang kabuuang rate ng paggamit ng kama at saklaw ng pagbabakuna sa pagtukoy ng mga antas ng alerto para sa iba’t ibang lugar.

Sa ngayon ang bansa ay nanatiling low risk classification pagdating sa ADAR at total beds utilization rate ayon pa sa DOH.

Pinawi ni Vergeire ang mga alalahanin sa travel advisory ng CDC, na sinasabi na ito ay nakahanay sa bansa.

Inaatasan ng Pilipinas ang mga dayuhang manlalakbay ng full vacculination  laban sa COVID-19, maliban lamang sa mga menor de edad na wala pang 12 taong gulang na naglalakbay kasama ang kanilang fully vaccinated na mga dayuhang magulang, bago pumasok sa bansa.

Batay sa national COVID-19 vaccination dashboard ng DOH, mayroon na ngayong 71.5 milyong Pilipino ang ganap na nabakunahan. Sa bilang na ito, 17.3 milyon ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot. Jocelyn Tabangcura-Domenden