Mas pinalawig na Anti-sexual harassment law, pasado na sa ika-2 pagbasa sa Kamara

Mas pinalawig na Anti-sexual harassment law, pasado na sa ika-2 pagbasa sa Kamara

October 10, 2018 @ 12:42 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang House bill 8244 na aamyenda sa Republic Act 7877 o Anti Sexual Harassment Act.

Sa ilalim ng panukala ay papatawan ng mas mabigat na parusa ang lalabag, kung sa RA 7877 ay P10,000 hanggang  P20,000 amg parusa at pagkakakulong ng 1 hanggang 6 na buwan sa bagong pamukala na HB 8244 ay  P50,0000 hanggang P200,000 na ang multa bagama’t pareho pa din ang jail term.

Sa ilalim ng panukala ay mapaparusahan ang sexual harassment na ginawa physically, verbally, at visually gamit ang internet sa loob at labas man ng lugar  trabaho, paaralan o training institutions.

Pananagutin din ang mga superior o person in authority na magbibigay ng pabor sa trabaho gaya ng appointment, benepisyo o promosyon kapalit ng sexual favor.

Maging ang pambabastos sa kasamahan sa trabaho o pang-iinsulto sa katrabaho dahil sa sexual orientation nito, ang manunulsol o mangungunsinti sa sexual harassment ay kasama ding pananagutin.

Sa oras na magsumbong ng sexual harassment at walang pag aksyon dito ang mga boss ng kumpanya ay parurusahan din lalo at kung may nalalaman itong insidente mg panghaharass subalit walang ginagawang hakbang.

Inaatasan din ang mga kumpanya na magpatupad ng kanilang sexual harassment policy na magdedetalye kung ano ang gagawin ng mga biktima ng harassment at pagtatatag din ng Committee on Decorum na magsisiyasat sa kanilang mga harassment cases na ang kabuuang proseso ay dapat confidential./Gail Mendoza