Masamang panahong dulot ng Habagat, patuloy na mararamdaman sa Luzon at Visayas

Masamang panahong dulot ng Habagat, patuloy na mararamdaman sa Luzon at Visayas

July 18, 2018 @ 11:09 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Asahan ang pagpapatuloy ng masamang panahong dulot ng habagat dahil mas palalakasin ito ng natagpuang Low Pressure Area (LPA) sa Philippine Sea at ng bagyong Henry, ayon sa weather forecast ng PAGASA ngayong Miyerkules (July 18).

Natagpuan ang LPA sa 540 kilometers silangang bahagi ng Aparri Cagayan kaninang alas-3 ng umaga habang ang bagyong Herny naman ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa 1,115 kms kanluran ng northern Luzon.

Dahil dito, palalakasin ng dalawang weather system ang habagat na magiging sanhi ng panaka-naka hanggang sa malakas na ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley Region, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa.

Magbibigay din ang habagat ng maulap na kalangitan na mayroong kaunting pag-ulan sa Bicol Region at sa kabuuan ng Visayas.

Ang Mindanao rin ay makararanas ng maulap na mayroong panakanakang pag-ulan.

Samantala, naglabas naman ng orange rainfall warning ang PAGASA sa Metro Manila, Rizal, Bataan, at Zambales. (Remate News Team)