Masasayang na bakuna dapat nasa 5% lang – DOH

Masasayang na bakuna dapat nasa 5% lang – DOH

February 4, 2021 @ 9:18 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na dapat nasa 5% ang “acceptable” na mapapanis na bakuna sa COVID-19 sa vaccination program ng gobyerno.

“Meron po tayong tinatala na ang acceptable po ay mga 5 percent. Ini-estimate na ho namin yan kapag kumukuha tayo ng numero o estimated number na kailangan natin na bakuna,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“But, we have to keep it as minimum as possible because every dose will count because these COVID vaccines are needed badly by all of us Filipinos,” giit pa niya.

Ani Vergeire na hindi kasi maiiwasan ang pagkapanis ng bakuna kapag ka ang taong nakatakdang bakunahan ay aatras, o kung biglang hindi pala pupwedeng turukan ang indibidwal dahil sa kondisyon nito.

Kaya naman inaayos na ng DOH ang master list ng mga indibidwal particular ang prayoridad na health workers at bulnerableng indibidwal na unang makatatanggap ng bakuna.

“If you cannot find somebody else who can take that vaccine, that’s going to be a wastage,” ayon pa kay Vergeire.

Maaring alternatibong paraan din ang pagtatakda ng kapalit na babakunahan sakaling hindi makapunta ang prayoridad sa listahan.

“Kailangan din po may ready tayo ng alternative recipients kung sakaling during that day of vaccination meron po tayong mare-reject because of medical conditions or merong hindi dumating sa appointment na ‘yun, [para] meron po tayong handang ipalit agad para hindi masayang ang bakuna.”

Maari ding mapanis ang bakuna sa maling storage nit.

 “We (must) be able to store the vaccines properly and prepare it properly…so that no vaccines will be wasted,” dagdag pa niya. RNT


  •  
  •  
  •