Masayang inuman sa Pasko, nauwi sa saksakan

Masayang inuman sa Pasko, nauwi sa saksakan

December 26, 2022 @ 5:02 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang 43-anyos na construction worker habang masayang nagdiriwang ng bisperas ng Pasko, Disyembre 24 sa Ermita, Maynila matapos undayan ng saksak ng kanyang kainuman.

Dead on the spot ang biktima na si Ronilo Tusi ng Agoncillo St. Ermita, Manila.

Agad nakatakas ang suspek na si Marino Penes alyaa ” Mario” nasa edad 53, driver ng Barangay 952 Escoda St., Paco, Manila.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-6 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Eacoda at Benitez Streets sa Paco, Manila.

Masaya umanong nag-iinuman ang biktima at suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo makaraang maparami ng inom ng alak.

Nagsuntukan at nang makatiyempo si alyas “Mario” ay dito na niya pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Tusi.

Nagkasa na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Station 5 at Homicide Section laban sa suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden