Masayo talo kay Vargas; puro gigil ang ginawa, walang strategy

Masayo talo kay Vargas; puro gigil ang ginawa, walang strategy

July 10, 2022 @ 1:23 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kahit napabagsak sa round 9, natalo pa rin at naagaw ang hawak na WBC featherweight title ni Mark Magsayo nang  challenger at ngayo’y  two division world champion na si Mexican Rey Vargas sa kanilang laban na ginanap sa Alamodome, Texas.

Dahil sa pagkatalo, wala nang Filipino ang may hawak ng world champion boxing title ngayon.

Mula sa simula ay dinomina na ni Vargas ang laban kung saan bumabato ito ng maraming suntok na tumatama kay Magsayo habang ang Pinoy ay limitado ang suntok na puro power shot o puto gigil subalit puro hangin ang tinatamaan.

Ayon sa mga fan, tila nasanay na si Magsayo na sumusuntok sa hangin at hindi nag-imprub ang kanyang target punching para patamaan ng solido ang kanyang kalaban.

“Puro power shot sana ang ibinabato ni Magsayo pero puro hangin lang ang tinatamaan nito at ginawa niya ito sa kabuuan ng round na gigil at walang strategy kaya natalo siya ni Vargas na tumatama ang mga jab at suntok na pinakapawalan,” ani ng isang kritiko.

Nasayang lang umano ang nagawang knockdown ng 27-year-old na si Magsayo kay Vargas  sa 9th round at hindi nito sinamantala na medyo hilo pa ang Mehikano dahil puro hangin lang ang sinusuntok nito.

 Marami rin fans ang nadismaya sa ipinakitang laban ni Magsayo na halatang ilang na ilang at kabado sa malaking kalaban.

Nagwagi sa laban si Vargas via split decision kung umiskor ang dalawang hurado na pabor sa challenger na 115-113 habang ang isa ay binigyan si Magsayo ng iskor na 114-113.RICO NAVARRO