Masbate ginising ng M-5.0 lindol!

Masbate ginising ng M-5.0 lindol!

August 20, 2022 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 5.0 na lindol sa silangan ng City of Masbate sa lalawigan ng Masbate ngayong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang lindol na may lalim na 15 kilometro at tectonic ay naramdaman kaninang alas-3:22 ng madaling araw.

Naramdaman ng mga residente ang lindol sa mga sumusunod na lugar:

  • Intensity IV- Masbate City

  • Intensity III – Legazpi City, Albay; Irosin at Sorsogon City, Sorsogon

  • Intensity II- Aroroy, Masbate

Posible umanong nagkapinsala, base sa ahensya, at inaasahan ang aftershocks. RNT/SA