Masbate niyanig ng M-6 na lindol

Masbate niyanig ng M-6 na lindol

February 16, 2023 @ 7:03 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ginising ng magnitude 6.0 na lindol ang timog-kanluran ng Batuan, Masbate noong Huwebes ng umaga, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang lindol na naganap alas-2:10 ng madaling araw ay tectonic ang pinagmulan na may lalim na 10 kilometro.

Una nang iniulat ng ahensya ang isang 5.7-magnitude na lindol at maaaring asahan ang pinsala at aftershocks.

Noong 3:30 ng umaga, sinabi ng PHIVOLCS na naramdaman din ang lindol sa iba’t ibang lakas sa mga sumusunod na lugar:

Intensity VII – Lungsod ng Masbate, Masbate
Intensity V – Dimasalang, San Fernando, at Uson, Masbate
Intensity IV – Lungsod ng Legazpi, Albay; Aroroy, Cataingan, Esperanza, Milagros, at Pio V. Corpuz, Masbate; Irosin, at Lungsod ng Sorsogon, Sorsogon
Intensity III – Daraga, Albay

RNT