Masbate police intel chief patay sa accidental firing

Masbate police intel chief patay sa accidental firing

January 22, 2022 @ 1:33 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Patay ang isang police intelligence officer sa kanyang sariling service pistol nang malaglag ito habang nag-aayos ng kanyang gamit sa Mobo, Masbate.

Tinukoy ang parak na si Lt. Col. Steve dela Rosa, Police Intelligence Unit (PIU) chief ng Masbate police provincial office.

Sa ulat, bandang 10:45 p.m., nasa kanyang tahanan ang biktima nang bigla na lamang nalaglag ang baril at sumabog sabay tumama sa kanyang sikmura.

“The victim was rushed to Masbate Medical Mission Group Hospital Service Cooperative but died upon reaching the hospital,” lahad sa report.

Habang iniimbestigahan pa kung ang nangyari ay aksidente o hindi. RNT/FGDC