Maselang parte ni kabit sinaksak ni misis habang nakikipaglampungan

Maselang parte ni kabit sinaksak ni misis habang nakikipaglampungan

April 8, 2021 @ 10:08 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Imbes kasarapan ay pighati ang naramdaman ng isang kulasisi matapos na saksakin ng misis ng kalampungan ang maselang bahagi ng katawan nito sa Pangasinan.

Ayon sa ulat, nahuli umano ni ‘original’ ang kanyang asawa at kabit nito na aktwal na nakikipagtalik.

Sa galit ay nasaksak ng misis ang kabit ng mister sa kanyang maselang parte ng katawan.

Ayon sa kamag-anak na nakasaksi sa krimen, na kaarawan ng lalaki nang magpunta sa bahay nito sa Barangay Palua sa Mangaldan ang biktima at isa pang babae para bumili umano ng panindang kamoteng kahoy.

Nandoon din sa bahay ang suspek na misis ng lalaki pero umalis din ito dahil wala naman siyang duda at buong akala ay kamoteng kahoy lang ang sadya ng biktima.

Pagbalik ng suspek, naabutan niya ang tatlo na nag-iinuman.

Maya-maya ay naglaho ang kanyang mister at hinanap niya ito at natagpuan sa isang kubo at nakalugso na sa babaeng biktima.

Dahil sa galit, nasaksak ni Marie sa braso at maselang bahagi ng katawan ang biktima.

Nakatakas ang kanyang mister habang dinala sa ospital ang biktima.

Sumuko sa pulis ang suspek. RNT


  •  
  •  
  •