MASISIPAG na EMPLEYADO NG MUNISIPYO ng INDANG

MASISIPAG na EMPLEYADO NG MUNISIPYO ng INDANG

January 21, 2023 @ 1:18 PM 3 weeks ago


GANAP na 6:15 ng gabi ng Lunes, Enero 16, 2023, lampas oras na sa pagtratrabaho ang mababait at masisipag na empleyado ng aming munisipyo ng Bayan ng Indang sa Cavite upang patuloy na mabigyan ng serbisyo-publiko ang mga nag-a-apply at nagre- renew ng business permit.

Organisado, maayos at mas mabilis na ang ‘One Stop Business Permit System’ kung saan naroroon na sa isang bulwagan ang pinagsama-samang mesa para sa application, checking, cedula, computation, fire, health & sanitation, assessment, payment at mismong certification of ss permit.

May mga candies, cornick, chichirya, wafers, biscuits, tubig at kape rin na libre para sa mga naghihintay sa pagproproseso ng kanilang business permit.

Ang organisado, maayos at mas mabilis na OSBPS na ito ay sa pamamagitan ng direktiba at kagandahang-loob ng ating butihing ama ng bayan ng Indang na si Hon. Perfecto “Mayor Pecto” V. Fidel upang bawas abala at mas komportable na sa mga negosyante o kanilang representative.

Maraming salamat Mayor Pecto Fidel at sa mga mababait at masisipag na empleyado ng ating munisipyo na mula sa iba’t ibang departamento na pinagsama-sama sa isang proseso upang mapabilis ang transaksyon at trabaho. Saludo sa inyo, Mabuhay po kayo!

PERSONAL: Sa inyong aming mga reader ng Remate, Ang Dyaryo ng Masa, na may facebook account at youtube account, ako ay lumalapit sa inyo ng tulong at suporta sa aking bagong proyekto ngayong 2023 ang pagvo-vlog.

Pakisuportahan at pakitulungan ninyo akong paki-like at paki-share ang mga video na ginawa ko sa aking facebook account na Paps Rex; at paki-like, paki-share at paki-subscribe rin ang aking mga video sa aking youtube channel na Paps Rex TV. Maraming salamat sa suporta at tulong. God bless sa inyong lahat.