Masons plant a million tree

Masons plant a million tree

July 13, 2018 @ 6:33 AM 4 years ago


 

Nababahala ang mundo sa kasalukuyang nararanasang panahon dahil sa nakatatakot na dulot ng pabago-bagong klima (climate change).

Ang malalakas na bagyo na nag-iwan ng trahedya sa Pinas at marami pang bansa ay  masamang epekto ng nagbabagong klima.

Kaya nga ang samahan ng mga bansa (United Nations) ay  kumikilos na para mapigilan ang climate change at ang panganib nitong dulot.

Dito sa Pilipinas, may  Climate Change Commission (CCC) na tumatrabaho – pinangunahan ito  ni Secretary  Emmanuel  De Guzman.

Sa pamamagitan ng Senate bill  ni Sen. Loren Legarda, na-create ang CCC na magsisilbing ahensya para sa climate change.

Nakatutuwa ring isipin  na may mga nagmamalasakit na concerned group at kumikilos para mapigilan ang lumalalang climate change.

Saludo tayo sa ‘The Most Worship Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines’ sa kanilang anti-climate change project.

Noong Hunyo 24, inilunsad ng nasabing samahan ang country-wide ‘Plant a Million Three and Save the Environment’ project.

Mga kapwa mason at mga pamilya ang kasama ni Grand Master – Most Worshipful Romeo S. Mono sa pagsasagawa ng  simultaneous planting.

Pinangunahan ni MW Momo ang brethren and family of Masons, bata at matanda, sa pagtatanim ng aabot sa 1,500 seedlings La Mesa Dam, QC.

Ang samahan, kasama ang mga pamilya, ay nagkaroon din ng planting activity sa Santa, Ilocos Sur; Alfonso Lista at Lamut, Ifugao; Tuguegarao City, Santiago City, Maddela at Cabarogguis sa Quirino, Aritao, Nueva Vizcaya; Botolan, Zambales; Olongapo City, Bongabon, Nueva Ecija; Bulakan,  Bulacan; Cavinti, Laguna; San Jose, Roxas at Bongabong sa Oriental Mindoro, Lian at Tanauan City sa Batangas, Sto. Domingo,  Albay; Bacon, Sorsogon; Milagros sa Masbate, Lahug, Cebu; Zamboanga City, Bayug Island, Iligan City, Butuan City, Surigao City at Lingig sa Surigao Del Sur.

May tree planting activity na isinagawa rin sa Tandag City, Surigao Del Sur. Umabot sa 25,000 trees ang naitanim sa nasa­bing paglulunsad.

Bukod sa tree-planting activities, ang masons group ni MW Momo ay sasama rin sa September-scheduled nationwide coastal clean-up.

“These are the Masons’ humble contribution for the care and protection of the environment under my leadership”, pahayag ni MW Momo.

-CHOKEPOINT NI PADUA