Mass grave na may 440 bangkay nadiskubre sa Ukraine

Mass grave na may 440 bangkay nadiskubre sa Ukraine

September 16, 2022 @ 9:49 AM 2 weeks ago


UKRAINE – Natagpuan ng mga awtoridad sa bansang ito ang isang mass grave ng higit sa 440 na mga bangkay sa silangang lungsod ng Izium na nabawi muli mula sa mga puwersa ng Russia.

Ayon sa awtoridad, ilan sa mga nasawi ay bunga ngΒ ng pag-atake at air strike.

Sinabi ni Serhiy Bolvinov, ang punong imbestigador ng pulisya para sa rehiyon ng Kharkiv, sa Sky News na ikakasa ang forensic investigation sa bawat katawan.

“May namatay dahil sa artillery fire … may namatay dahil sa air strike,” aniya.

Sinisi ni Pangulong Volodymyr Zelenskiy ang Russia at inihalintulad ang pagtuklas sa nangyari sa Bucha, sa labas ng kabisera ng Kyiv sa mga unang yugto ng huling pagsalakay ng mga puwersa ng Russia sa huling bahagi ng Pebrero.

“Russia is leaving death behind it everywhere and must be held responsible,” ani Zelenskiy sa isang video address.

Paulit-ulit na itinanggi ng Russia na target nito ang mga sibilyan o nakagawa ng mga krimen sa digmaan. RNT