Mass vaccination, target ng gobyerno sa Agosto – vaccine czar

Mass vaccination, target ng gobyerno sa Agosto – vaccine czar

June 1, 2021 @ 9:29 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Sisimula na ng Pilipinas ang mass vaccination para sa Filipino adults sa Agosto, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Giit niya, ito ay mangyayari kapag naging sapat na ang suplay ng bakuna sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Galvez na nakatakdang makatanggap ang Pilipinas ng siyam na milyong COVID-19 vaccine, mula sa iba’t ibang manufacturer, ngayong buwan.

4.5 million vaccine doses dito ang mula sa Sinovac Biotech, 2.2 million Pfizer vaccine doses at 2 million AstraZeneca vaccine doses, parehong galing sa COVAX Facility, at 1 million doses ng Sputnik V, ang inaasahang matatanggap ng Pilipinas ngayong Hunyo.

Inaasahan na rin ang pagdating ng nasa 50,000 doses ng Moderna COVID-19 vax na binili ng pribadong sektor.

Dahil dito, sinabi ni Galvez na makakaya na ng Pilipinas na maabot ang 19 hanggang 25 milyong bakunado para makamit ng bansa ang tinawag niyang  population protection.

“Kung matapos po natin ang more or less 19 to 25 million, ito na po ‘yung tinatawag na population protection. Ito po, mako-contain na po natin ang death and hospitalization,” paliwanag ni Galvez.

Samantala, sisimulan na rin ngayong buwan ang pagbabakuna sa economic frontliners (A4) at indigents (A5).

“We are also considering na by August, doon na po tayo magkakaroon ng mass vaccination,” dagdag pa niya. RNT