Massage therapists tinusok ng banana stick sa dibdib, malubha

Massage therapists tinusok ng banana stick sa dibdib, malubha

July 29, 2018 @ 12:02 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Malubhang sugatan  ang isang massage therapists na binata matapos itong saksakin ng 12 inches na banana stick ng isang senior citizen kagabi (July 28)  sa Malabon City.

Arestado at kasalukuyang nakakulong ang suspek na nakilalang si Elmer Felices 61-anyos.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Richard Adrew Calycay, may hawak ng kaso, pasado alas-7:30 ng gabi ng maganap ang insidente.

Nabatid na naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay at sa hindi malaman na kadahilanan, biglang nalamang ito sinaksak ng matulis na banana stick sa dibdib ng suspek.

Sa kabila ng may tama ang biktima ay nakahingi pa ito ng tulong sa Police Commuity Precint 2 na agad namang tumalima sina  PO3 Catherine Rame  at PO1 Lindo Gupaal na nag resulta sa agarang pagkaaresto sa suspek.

Pormal na sinampahan ng kasong  Attempted murder ang suspek sa piskalya ng Lungsod. Roger Panizal