Mastermind sa pagpatay kay Percy Lapid, mananagot – DOJ Sec.

Mastermind sa pagpatay kay Percy Lapid, mananagot – DOJ Sec.

October 18, 2022 @ 7:09 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Paiimbestigahan ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang alegasyong galing sa loob ng New Bilibid Prison ang kumontrata at nag-utos na patayin ang beteranong broadcaster na si Percy Lapid.

Sinabi ni Remulla na nabalitaan niya ang pagsuko ni Joel Estorial, ang sinasabing gunman sa pagpaslang kay Lapid.

Gusto ni Remulla na marinig ang iba pang detalye ng mga isiniwalat ng suspek, at hihingin niya ito ng personal kay DILG Sec. Benhur Abalos, pati kay Bureau of Corrections o Bucor Director General Gerard Bantag.

Ayon kay Remulla, aalamin nila kung sino ang utak sa krimen, at kung sinuman ito ay dapat mailabas at mapanagot.

Tiniyak naman ng kalihim na poprotektahan ang testigo, dahil masyadong malalim ang kaso sa pagpatay kay Lapid. Teresa Tavares