Masturbation, healthy nga ba?

Masturbation, healthy nga ba?

October 10, 2018 @ 7:57 PM 4 years ago


 

Kung mayroon man masasabing expertise ng lahat ng mga lalaki, iyon ay ang ‘masturbation’.

Pero malaking katanungan pa rin sa ngayon kung okay nga lang ba talaga itong gawin?

Ayon sa pag-aaral sa Springfield, ang masturbation o pagbabati ay isang healthy na paraan para pag-aralan ang inyong katawan. Bukod pa dito, ito rin ang kinikilalang pinakaligtas na paraan  para magparaos – hindi ka na makakabuntis, hindi ka pa makakakuha ng STD.

Healthy nga ba ang masturbation?

Marami nang mga pag-aaral ang nagsasabing malaki ang benepisyo ng sex para sa mga kalalakihan – para sa blood pressure, para sa puso at para sa prostate.

Ayon kay Tobias S. Köhler, MD, MPH, isang associate professor sa  Southern Illinois University School of Medicine sa Springfield, ganun din ang sa masturbation.

Kung tutuusin pa nga aniya, ay mas healthy pa ito kumpara sa intercourse o pakikipagtalik.

Dagdag pa ng isang pag-aaral sa Harvard’s Health Professional Followup, sinasabi rin nilang ang masturbation ay nakatutulong para mapababa ang tyansa ng isang lalaki na magkaroon ng prostate cancer.

Iba pang benepisyo ng pagsasalsal

Ilang pang mga pag-aaral sa psychology ang nakapagsasabing mainam ang masturbation para matuto ka kung ano ang gusto mo at hindi pagdating sa sex.

Bukod dito, nakakadagdag din ito sa lalaki para maging komportable siya sa kanyang katawan at sa usaping sex.

May mga pag-aaral din kung saan napatunayan na ang masturbation ay nakapagpapababa ng stress at nakatutulong para ikaw ay ma-relax.

Nagiging maganda rin ang tulog ng lalaki kapag sila ay nagsasarili sa bago matulog.

Paliwanag ng pag-aaral sa Springfield, ang orgasm kasi ay nakapaglalabas ng endorphins – food chemicals sa iyong utak para mabago ang iyong mood.

So, okay nga lang ba ang mag-masturbate? (Remate News Team)