Masungi rangers inatake ng 30 katao

Masungi rangers inatake ng 30 katao

February 20, 2022 @ 11:53 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Masungi Georeserve na pito sa kanilang kasamahan ang inatake ng hindi pa kilalang grupo na humantong sa pagkakaospital ng dalawa sa mga biktima.

Dagdag pa sa impormasyon ng grupo na aabot sa 30 ang umatake sa Georeserve rangers habang sila ay kumakain sa isang fast food stall nitong Biyernes.

“When the rangers refused to be accosted without a warrant or due cause, the mob of about 30 people ganged up, clobbered, and mauled 7 rangers with fists and big rocks,” Masungi sabi ni Masungi.

Ibinahagi ng grupo ang footage ng pag-atake gayundin ang mga larawan ng mga pinsala ng mga tauhan nito. Nagpakita ito ng kaguluhan, na may ilang indibidwal na humaharang sa daan ng sasakyan na lulan ang taong kumukuha ng video.

Sinabi ni Masungi na ang isa sa mga umatake ay empleyado ng kalapit na resort na nakatanggap ng cease-and-desist order mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Idinagdag nito na ang isa pang umatake ay ang indibidwal na nauna nang nahulihan ng mga bagong pinutol na puno na kalaunan ay kinumpiska at itinurn-over sa mga awtoridad. RNT