Masustansyang gatas ng IPIS, kaya mo bang inumin?

Masustansyang gatas ng IPIS, kaya mo bang inumin?

April 2, 2021 @ 11:02 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa Pilipinas, tanda ng maruming paligid ang prisensya ng mga ipis. Peste nga ito kung maituturing dahil wala naman itong pakinabang sa buhay at nakakapang-iinis pa dahil marami ang takot magapangan o makakita man lang nito.

Gayunpaman, isang grupo ng international scientist ang nakatuklas ng kakaibang gamit o pakinabang ng mga insektong ito. Ready ka na?

Mayroon kasi silang nakitang protein crystal na matatagpuan sa midgut ng mga ipis nitong 2016.

Ano nga ba ang protein crystal?

Ito ay ang gatas na mayroon ang ipis na natuklasang apat na beses na mas masustansya kaysa sa gatas ng baka at iniisip ng mga researcher na ito na ang susunod na magiging ‘superfood’ ng lumalaking populasyon sa hinaharap.

Makikita lamang ang protein crystal na ito sa Diploptera punctuate, isang lahi ng ipis na kilala sa panganganak ng buhay na ipis at nakitang nagpapasuso ng masustansyang gatas sa kaniyang mga baby.

Ikinamangha ito ng mga scientist lalo pa’t natuklasan nilang ang protein crystals na ito ay mahigit tatlong beses pang mas masustansya sa bilang ng energy na makukuha sa kaparehong bilang ng buffalo milk – mataas din sa calories kaysa sa gatas ng baka.

Paano ito nakukuha?

Alam ng mga scientist na hindi maaring gawin sa mga ipis ang katulad ng pagkuha ng gatas sa mga baka, dahil dito, humingi ng tulong ang international scientist na pinamumunuan ng researcher mula Institute of Stem Cell Biology and Regenerative Medicine sa India upang mag-sequence ng genes na nasa likod ng paggawa ng ganitong klase ng milk protein crystals upang tignan kung kaya nila itong i-replicate sa laboratory.

“The crystals are like a complete food – they have proteins, fats and sugars. If you look into the protein sequences, they have all the essential amino acids,” ayon kay Sanchari Banerjee, miyembro ng team, noon pang 2016.

Dito natuklasan na ang gatas ay hindi lamang mapagkukunan ng calories at nutrients dahil ito rin ay ‘time released.’

Habang tinutunaw ang protein mula sa gatas, mas naglalabas pa ng mas maraming protein ang crystal.

“It’s time-released food,” ayon kay Subramanian Ramaswamy, namumuno sa proyekto.

“If you need food that is calorifically high, that is time released and food that is complete. This is it.”

Dadag pa ni Ramaswamy, hindi ito para sa mga nagbabawas ng timbang dahil sa mataas na calorie content pero kung ang pag-uusapan ay ang mga taong gustong makakuha ng sapat na amount ng calories na kinakailangan kada araw, ito na pinamabilis at pinakamainam na sagot para sa’yo.

“They’re very stable. They can be a fantastic protein supplement,” ayon kay Ramaswamy.

Ngayong mayroon nang sequence ang mga researcher, umaasa ang mga ito na makagawa ng mas malaking amount ng crystal.

‘Wag kang mag-alala dahil kasama sa kanilang target ay ang makagawa ng mas ‘efficient’ (at hindi kadiri) na paraan sa pagkuha ng crystal sa ipis.

Kung magtagumpay man sila, ang tanong, iinom ka ba?

Ang research na ito ay nakalathala sa IUCrJ, isang journal ng International Union of Crystallography. Remate News Team


  •  
  •  
  •