Mataas na buwis sa mga pribadong paaralan iimbestigahan ng Kamara



Mataas na buwis sa mga pribadong paaralan iimbestigahan ng Kamara

June 10, 2021 @ 7:45 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Masusing sisiyasatin ng Kamara kaugnay sa mataas na income tax na sinisingil ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga pribadong paaralan.

Ito ay kaugnay sa inilabas na regulasyon ng BIR na mula sa 10% ay itinaas sa 25% ang tax rate ng mga private educational institutions na salungat sa Tax Code na inaamyendahan sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law.

Kasunod ito ng paghahain si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ng House Resolution 9596 na nag-aamyenda sa Section 27 (B) ng National Internal Revenue Code of 1997.

Ayon sa formulation ng NIRC na siyang naging batayan ng Supreme Court sa CIR vs Dela Salle University, ang isang proprietary educational institution ay magiging entitled lamang sa 10% corporate income tax kung ang pribadong paaralan ay non-profit at kung hindi lalagpas sa 50% ang gross income mula sa unrelated business at activity ng pribadong paaralan.

Ngunit batay sa resolusyon na hindi maaaring buwisan ng BIR ang mga proprietary educational institutions na kontra sa pagtingin ng korte.

Dahil dito, magsasagawa ng pagdinig ang House Ways and Means Committee ngayong session break para makalikha ng batas laban sa anumang mataas na singil sa buwis na ipapataw sa mga pribadong paaralan.

Balak itong pagtibayin bago ang pagbabalik-sesyon at maisumite agad sa Senado.

Kaugnay nito ay nakipagpulong na rin si Salceda sa BIR matapos na sumaklolo sa kanya ang Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) hinggil sa mataas na singil sa buwis ng ahensya para sa mga “for-profit” na private schools.

Sa pulong aniya sa BIR ay nakakuha naman siya ng commitment sa ahensya ng suporta para sa revision ng mga kalabuan ng batas para maka-avail ang mga pribadong paaralan ng 1% income tax rate hanggang 2023. (Meliza Maluntag)


  •  
  •  
  •