Mataas na koleksyon ng buwis sa unang 6 buwan ng 2019, ikinatuwa ng Malakanyang

Mataas na koleksyon ng buwis sa unang 6 buwan ng 2019, ikinatuwa ng Malakanyang

August 16, 2019 @ 10:31 AM 3 years ago




Manila, Philippines – Pinuri ng Malakanyang ang economic team ng administrasyon bunsod ng magandang fiscal performance ng bansa para sa unang semestre o unang anim na buwan ng taong ito.


Patunay dito ang pagpalo ng revenue ng bansa hanggang sa 9.7 percent habang umangat sa 10.1 percent naman ang tax revenues.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo, ikinatutuwa din ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtaas sa koleksiyon ng BIR na pumatak sa 10.6 percent ganundin sa koleksiyon ng Bureau of Customs na pumalo ng hanggang 8.6 percent.

Kaugnay nito ay pinasalamatan naman ng Palasyo ang mga Pilipino sa aniya’ y pagtanggap ng mga ito sa iba’t ibang tax measure katulad ng TRAIN.

Asahan aniya na malayo ang mararating nito at magagamit sa iba’t ibang programang may kinalaman sa edukasyon, pangkalusugan at pagpapalakas sa mga proyektong pang- imprastraktura na magpapatibay pang lalo sa domestic growth ng bansa. Kris Jose