Mataas na lebel ng ‘ethylene oxide’ sa Lucky Me products iniimbestigahan na ng FDA

Mataas na lebel ng ‘ethylene oxide’ sa Lucky Me products iniimbestigahan na ng FDA

July 7, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Health na biniberipika pa ng Food and Drug Administration (FDA) ang ulat kaugnay sa isang kilalang brand ng noodles sa bansa.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, wala pang pinapahold ang DOH sa mga variant ng instant noodles na ‘Lucky Me’ .

Aniya kumukuha pa ng detalye at patuloy na biniberipika base sa gagawing proseso ng FDA upang makapaglabas ang Kagawaran ng karagdagang impormasyon sa publiko.

“Wala pa tayo pinapa hold as we are still verifying the report and getting details.The incident was from Europe, our FDA now is verifying the report so we can issue further information to the public,” sabi ni Vergeire.

Ang pahayag ni Vergeire ay kasunod ng inilabas na babala ng ilang bansa sa
Europa sa kaligtasan sa nasabing brand ng noodle dahil sa umanoy mataas na level ng ethylene oxide.

Ang ethylene oxide ayon kay Vergeire maaring magdulot ng pananakit ng ulo, pagsusuka, pagdudumi, nahirapang huminga at iba pa.

“So we just want to be sure kaya tayo nagmonitor ng ganito and it is a very good thing that our surveillance processes and systems were in place dahil nakita natin Ito , nadetect and we’re able to stop from our kababayan’ na ma-consume itong mga produktong ito” sabi pa ni Vergeire.

Ang mga variants ng Pilipino-based instant noodles ay ang Pangit Canton Original, Pancit Canton Hot Chili, Instant noodle soup beef flavor, Pansit Canton Calamansi at Pancit Canton Chilimansi. Jocelyn Tabangcura-Domenden