Mataas na lebel ng sodium sa instant noodles, sardinas ikinabahala ni Tulfo

Mataas na lebel ng sodium sa instant noodles, sardinas ikinabahala ni Tulfo

October 17, 2022 @ 6:37 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nababahala si Senador Raffy Tulfo sa mataas na lebel ng sodium sa mga instant noodles at canned sardines.

Ito ang inihayag ni Tulfo kasabay ng pagdinig ng Senado sa proposed budget ng Department of Trade and Industry kung saan marami ang mga Filipino na ito ang kinakain araw-araw dahil sa ito ay abot-kaya.

Dahil sa panganib na dulot sa kalusugan, nakiusap si Tulfo sa DTI kung maaari ba nilang utusan ang mga manufacturers na bawasan ang lebel ng sodium na sangkap nito.

“Dangerous and hazardous po ‘yan sa kalusugan ng mga mamamayan and yet, it continues. It goes on and on and on. Wala pong nagsasalita from DTI na, ‘yes, tama nga po kayo. Hey, manufacturers, babaan niyo po ‘yung sodium content niyan,’” anang Senador.

Tugon naman ni DTI Secretary Alfredo Pascual sa pahayag na ito ni Tulfo, tungkulin ng Food and Drug Administration ang usaping ito.

“We realized that the issues raised were very important. Hopefully, I wish we acted on this but unfortunately, Mr. Your honor, the responsibilities that you raised does not fall on DTI but rather on Food on Drugs Administration,” sagot ni Pascual.

Hindi nagustuhan ni Tulfo ang sagot na ito at hinimok pa rin ang DTI na umaksyon.

“Tuwing magkakaroon po tayo ng hearing… nagtuturuan po kayo. Nagtuturuan. Nakakalungkot po ito. Walang gustong umamin, wala pong gustong umako.”

Nangako naman si Pascual na ipapaabot sa concerned departments ang usaping ito. RNT/JGC