Mataas na lider ng NPA at 50 iba pa, sumuko kay Speaker Alvarez

Mataas na lider ng NPA at 50 iba pa, sumuko kay Speaker Alvarez

June 21, 2018 @ 7:01 PM 4 years ago


 

 

Davao Del Norte – Isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) at 50 pang miyembro nito ang sumuko kay House Speaker Pantaleon Alvarez sa Sto. Niño, Talaingod, Davao del Norte.

Ayon kay Alvarez ang pagsuko ni Datu Gibang Apoga, Lumad Lider sa Davao del Norte ay bunsod umano ng nakitang sinsero sa panig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa alok nitong kapayapaan.

“This development is very significant to the peace initiative of President Duterte. I am very happy that another group of NPA rebels now returned to the folds of the law after finding the purity of the heart of our President to bring them once again to the mainstream society,” pahayag ni Alvarez.

Binigyang katiyakan ni Alvarez na gagawa ito ng hakbang para masiguro na maisasama sa 2019 budget ang pagpapagawa ng housing units para sa mga rebel returnees, isang hakbang para masimulan ang kanilang pagbabagong buhay.

“May lupa naman na sila, humihingi sila ng bahay. Kaya pagsusumikapan kong maisama ito sa national budget next year,” pahayag ni Alvarez na una nang nagbigay sa mga rebel returnees ng dalawang kalabaw, dalawang baka, generator sets, isang 4×4 muticab at construction materials para sa paggawa ng dalawang bahay na matitirhan.

“The government doors are open for all the NPA members who want to enjoy a peaceful life,” dagdag pa nito.

Ani Alvarez ang unit ni Apoga na nagsurender ng dalawang M16 rifles ay isa sa makapangyarihang NPA groups na nag-ooperate sa Davao del Norte, Bukidnon at Compostela Valley.

Kinumpirma ni Alvarez na may isa pang batch ng mga NPA rebels ang nakatakdang sumuko sa pamahalaan sa mga susunud na araw. (Gail Mendoza)