Mataas na presyo ng asukal kaya pang pigilan ng pamahalaan – Rep. Salceda

Mataas na presyo ng asukal kaya pang pigilan ng pamahalaan – Rep. Salceda

November 5, 2022 @ 4:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Para kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda may magagawa pa ang pamahalaan para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng asukal sa merkado sa kabila ng pagtaas ng presyo nito sa world market.

Ang pahayag ay ginawa ni Salceda bilang reaksyon sa paglobo ng inflation sa 7.7 percent nitong buwan ng Oktubre.

Ipinaliwanag ni Salceda na kung walang magagawa ang bansa sa mataas na presyo ng mais, gasolina at kuryente ay kaya nitong makontrol ang sa asukal.

“High corn, fuel, and electricity prices are primarily a matter of global conditions. But for sugar, because of our longstanding policy of misguided protectionism, we have it coming,” pahayag ni Salceda.

Ayon kay Salceda dapat may gawin para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng asukal dahil kung hindi ito tutugunan ay maraming apektado.

“Having high prices of sugar would “kill domestic jobs as some 66 percent of all sugar demand is as input to other Philippine industries, while only 34 percent is consumed in final form. The problem with high sugar prices isn’t just that consumers are bearing the brunt of it. It’s that Philippine industries consume more sugar than consumers do. And they’re in trouble if we don’t sort the situation out,” paliwanag pa ng solon na isang magaling na ekonomista ng bansa.

Aniya, sa ngayon ay may mga apektadong sektor na dahil sa mataas na presyo ng asukal.

“The country’s structural sugar issues is already costing jobs because they are inputs to other sectors and are affecting the prices of bread, soft drinks, alcoholic drinks, dairy products, and other processed foods,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Salceda na upang mapigilan ang mas malaking problema ay dapat payagan ang industrial users na mag import ng asukal.

“I’ve talked to farmer groups and they complain that their problem is input costs. High fertilizer and farm fuel costs are major issues. Among milling companies, energy costs are also the issue. I already have a proposal to allow industrial users to import another 400,000 MT (metric tons) of refined sugar. If we auction those slots off, we could be earning as much as 12 billion pesos, which we could provide to farmers and millers as direct subsidies,” ani Salceda.

Inatasan din nito ang Department of Trade and Industry at National Economic and Development Authority na agad ipaalam sa pamahalaan kung mayroong sugar shortage sa mga industrial users upang agad na makadesisyon kung kailangan na dagdagan ang importasyon.

“Otherwise, industrial users are going to have to find a way to get their sugar, one way or another. They will either manufacture abroad, or smuggle sugar here. Either way, we’ll see jobs killed,” pagtatapos pa ni Salceda. Gail Mendoza